You are here: HomeNews UpdateLatest News106-anyos na 'national living treasure' sa tapestry weaving, umaapela ng tulong

106-anyos na 'national living treasure' sa tapestry weaving, umaapela ng tulong

By  Bombo Radyo Koronadal Posted in Latest News Thursday, 12 January 2017 01:31

KORONADAL CITY - Umaapela ng tulong sa gobyerno ang isa sa tatlong mga idineklarang "National Living Treasures" o Malilikha ng Bayan Awardee na si Bai Yabing Masalon Dulo.

 

Sa personal na pagbisita ng Bombo Radyo Koronadal sa lugar ng prinsesa ng mga B'laan sa Brgy. Landan, Polomolok, South Cotabato, laking tuwa nito matapos nilang madinig sa Bombo Radyo na nakaabot na sa mga pangunahing opisyales sa probinsya ang pagkilala sa kanya ng National Commission on Culture and Arts (NCCA) at ng Presidente Rodrigo Duterte dahil sa mga likha nitong Mabal Tabih na gamit ang tradisyonal na paghahabi.

 

Dahil dito, buong puso itong humihingi ng suporta sa gobyerno na kung sana ay mabigyan sila ng tulong na maipagtuloy ang halos nawawala ng tradisyon ng B'laan Tribe dahil sa kawalan ng pondo upang masuportahan at maipagpatuloy ang kanilang mga gawa.

 

Napag-alaman na si Bai Yabing Masalon Dulo ay nasa 106-anyos na at idineklarang National Living Treasure kasama sina Ambalang Ausalin ng Lamitan, Basilan dahil sa tapestry weaving at pangatlo sa ginawaran ang naghahabi ng banig sa Malapatan, Sarangani na si Estelita Tumandan Bantilan.

Read 60 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.