You are here: HomeNews UpdateLatest NewsKinilong patay na langaw, ipinagbibili sa Albay

Kinilong patay na langaw, ipinagbibili sa Albay

By  Bombo Radyo Legazpi Posted in Latest News Thursday, 12 January 2017 03:29

LEGAZPI CITY - Idinadaing na ng mga residente ng Brgy. San Ramon sa bayan ng Daraga, Albay ang masangsang na amoy at dagsa ng langaw na mula sa mga itinambak na basura ng mga residente sa buong bayan.

 

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Konsehal Tikboy Marcaida, inihayag nitong hindi umano nasunod ng lokal na gobyerno ng Daraga ang napag-usapan patungkol sa itatayong landfill.

 

Una rito, napagdesisyunan na sa naturang barangay ilalagay ang sanitary landfill at pagtatambakan ng mga basura ngunit hindi ito nasunod dahil itinatapon na sa lugar ang mga basura kahit hindi pa tapos ang construction ng landfill.

 

Kwento pa ng opisyal, malapit umano sa residential areas ang tambakan na mistula na ring open dumpsite kung kaya higit pa itong ikinababahala ng mga residente.

 

Sa tindi rin ng langaw, ilang residente na ang nag-alok na bibilhin ang isang kilo ng patay na langaw sa halagang P5,000 upang maibsan ang problema.

 

Samantala, hihingi na umano ng tulong ang naturang opisyal sa Department of Environment and Natural Resources-Environment Management Bureau (DENR-EMB) upang masolusyunan na ang problema sa lalong madaling panahon.

 

Kung babalikan, kasama ang naturang bayan sa anim na bayan sa Albay kabilang na ang Polangui, Camalig, Tiwi, Guinobatan at ang Lungsod ng Tabaco na kinasuhan ng Environmental Ombudsman kaugnay ng hindi pagsunod sa tamang pagtatapon ng basura na nakapaloob sa Republic Act 9003 o Ecological Waste Management Act.

Read 101 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.