You are here: HomeNews UpdateLatest NewsBombing simulation exercise para sa Ati-Atihan festival, isinagawa sa Kalibo

Bombing simulation exercise para sa Ati-Atihan festival, isinagawa sa Kalibo

By  Bombo Radyo Kalibo Posted in Latest News Thursday, 12 January 2017 03:17

KALIBO, Aklan - Nagsagawa ang Aklan Police Provincial Office (APPO) ng simulation exercise kaugnay sa crisis management kung ano ang mga dapat gawin kapag may banta ng pambobomba at pagsabog na isinagawa malapit sa Kalibo Pastrana Park sa M. Laserna St. Kalibo, Aklan.

 

Ayon kay SPO1 Nida Gregas, public information officer ng APPO, lumahok sa pagsasanay ang mga pulis at iba pang kaukulang ahensiya ng gobyerno.

 

Bahagi umano ito ng ipinapatupad na high security measures sa selebrasyon ng Sto. Nino Ati-Atihan na nagsimula noong Enero 9 hanggang 15.

 

Layunin umano nito na makita ang kahandaan ng mga kaukulang ahensiya ng gobyerno at volunteer groups sa pagtugon sa krisis na nangangailangan aniya ng pagtutulungan at koordinasyon ng iba’t-ibang stakeholders.

 

Sa kabila nito, nilinaw ni Gregas na walang banta sa nasabing selebrasyon.

 

Taun-taon ay libu-libong deboto, bisita at balikbayan ang nakikisaya sa taunang festival na itinuturing na “Mother of All Philippine Festivals.”

Read 39 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.