You are here: HomeNews UpdateLatest NewsEx-reporter, umalma sa pagdawit sa kanya sa payola mula sa drug lord

Ex-reporter, umalma sa pagdawit sa kanya sa payola mula sa drug lord

By  Bombo Radyo Bacolod Posted in Latest News Thursday, 12 January 2017 00:25

(Update) BACOLOD CITY – Mariing itinanggi ni Edwin de Pedro, dating reporter ng Bombo Radyo Bacolod, na tumatanggap ito ng payola mula sa drug lord na si Victoria alyas Beria Tolentino.

 

Pahayag niya ito matapos idinawit ng naarestong bagman ni Beria na si Ricky Serenio bilang kabilang sa mga media man na nagpakilala diumano na kasapi ng Bombo Radyo upang makatanggap ng payola.

 

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo, iginiit ni Edwin na hindi nito kilala si Serenio at nakita lamang nito ang kaniyang hitsura sa pamamagitan ng Facebook page ng Bombo Radyo Bacolod.

 

Subalit aminado si De Pedro na narinig na nito ang pangalan ng drug lord na si Beria na nagpapiyansa sa mga nakakasuhan sa korte ngunit wala diumano itong ideya kung ano ang negosyo ng nasabing babae.

 

Nilinaw ni De Pedro na hindi nito ginagamit ang pangalan ng Bombo Radyo mula nang nag-resign ito noong 2007 upang tumakbo bilang barangay kagawad.

 

Samantala, sinubukan ng Bombo Radyo na makuha ang panig ng isa pang idinawit ni Serenio na si dating Bombo Radyo reporter Joe Liboon subalit sinabi nito na kaniya pa itong ikokonsulta sa kaniyang abogado. 

Read 85 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.