You are here: HomeNews UpdateLatest NewsLandslides sa Albay naitala; forced evacuation ipinatupad sa lindol sa Bicol

Landslides sa Albay naitala; forced evacuation ipinatupad sa lindol sa Bicol

By  Bombo Legazpi Posted in Latest News Wednesday, 11 January 2017 18:42

(Update) LEGAZPI CITY - Nagpatupad na ng forced evacuation ang lokal na pamahalaan ng Malilipot sa Albay kaugnay ng naitalang magnitude 4.2 na lindol dakong alas-2:24 ng hapon na sentro ang layong 14 na kilometro sa silangang bahagi ng Baras, Catanduanes.

 

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Punong Barangay Josefina Biñas ng San Roque, Malilipot, Albay, inihayag nitong pinalikas na nito ang aabot sa 50 pamilya na kasalukuyang nananatili sa San Roque Elementary School at barangay hall.

 

Dagdag pa nito na dahil sa matinding pag-ulan na naranasan ng lalawigan sa mga nakalipas na araw, "saturated" na umano ang lupa sa tatlong purok at na-trigger pa ng malakas na lindol kung kaya bumigay na ito kasama ang mga bahay na nasa bulubunduking bahagi.

 

Naka-standby na rin ang mga relief goods para sa mga apektadong pamilya mula pa noong nagdaang bagyong Nina.

 

Ibinunyag naman nito ang planong relocation para sa mga ito kung kaya nanawagan ito sa provincial government of Albay na pambili ng mga materyales na gagamitin.

 

Nangako na rin si First District of Albay Rep. Edcel Lagman ng tulong para sa pagpapatayo ng mga bagong bahay para sa mga apektadong residente.

 

Samantala, sa kabila ng ipinatupad na forced evacuation, isang pamilya ang nagmatigas na umalis sa lugar kung kaya pinapirma na lang ito ng waiver ng barangay ngunit hinihikayat pa rin na lisanin na ang lugar.

 

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang monitoring ng mga otoridad sa posibleng iniwang pinsala nang naitalang magkasunod na lindol na naramdaman sa buong Bicol.

Read 154 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.