You are here: HomeNews UpdateLatest News7 DA execs sa Davao, kinasuhan ng Ombudsman dahil sa P15-M bidding scam

7 DA execs sa Davao, kinasuhan ng Ombudsman dahil sa P15-M bidding scam

By  Posted in Latest News Wednesday, 11 January 2017 18:10

Pinakakasuhan na ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ng multiple graft charges ang mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) Regional Field Unit XI sa Davao City dahil sa maanomalyang paggamit nila ng pork barrel fund ng isang mambabatas.

 

Ang pondo ay mula kay dating Davao Oriental Representative Joel Mayo Almario na nagkakahalaga ng P15 milyong noong 2005.

 

Ilan sa mga nahaharap sa multiple counts ng paglabag sa Section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act ay sina dating DA Regional Executive Director Roger Chio, dating Regional Technical Director Romulo Palcon, Chief Finance Alma Mahinay, Administrative Officer Godofredo Ramos, Chief, Agricultural Engineering Division na si Onofre Nugali, dating Chief Agriculturist Jamie Bergonio at dating Chief Administrative Officer Isagani Basco.

 

Sa tatlong magkakahiwalay na resolusyon na ipinalabas ng anti-graft body ay napatunayan ng Ombudsman na dawit ang mga ito sa pagbili ng 100 units ng multimedia system with computer set na nagkakahalaga ng P10 milyon, water system material na nagkakahalaga ng P2.6 milyon at 81 na units ng  personalized 10 x 20 livelihood tent na ginastusan ng P2.4 milyon.

 

Batay sa Ombudsman, hindi sumunod ang mga akusado sa bidding procedure gayundin sa pagsasagawa ng pre-procurement at pre-bid conferences sa naturang proyekto.

 

Ang naturang PDAF ni Almario ay mula sa Corn Program noong panahon ng dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

 

Hindi rin nakapaglathala ang mga ito ng imbitasyon para sa bid na kailangan sa ilalim ng Government Procurement Reform Act.


“The wanton disregard of a plain and simple policy of the law that defeated the principle of transparency and competitiveness in the procurement process is sufficient to establish that respondents acted with evident bad faith, manifest partiality or gross inexcusable negligence,” ani Ombudsman Morales.

Read 111 times Last modified on Wednesday, 11 January 2017 17:52

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.