You are here: HomeNews UpdateLatest NewsPNP magiging istrikto vs mga pulis na 'adik' sa FB, texting habang may duty

PNP magiging istrikto vs mga pulis na 'adik' sa FB, texting habang may duty

By  Bombo Analy Soberano Posted in Latest News Wednesday, 11 January 2017 14:39

Pinaalalahanan ng pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mga pulis na naatasang magbantay sa mga potential terrorist targets sa Metro Manila na huwag pa-relax relax sa kanilang trabaho.


Sa memorandum na ipinalabas ni NCRPO regional directorial staff C/Supt. Amando Clifton Empiso, tinukoy nito ang mga ulat na ang ilan sa mga pulis ay abala sa pagpi-Facebook, pagte-text, o pagsu-surf gamit ang kanilang mga cellphones sa oras ng trabaho.


Mahigpit na binilinan ni Empiso ang mga pulis na naka-deploy sa mga malls, paliparan, transport terminals at iba pang places of convergence na seryosohin ang kanilang pagbabantay at pagmamatyag sa kanilang kapaligiran.

 

Gayundin maging accomodating sa mga mamamayan sa halip na nakatutok sa kanilang cellphone.


Mensahe pa ni Empiso sa mga pulis na ang pagiging abala sa cellphone sa oras ng trabaho ay hindi nakakatulong sa imahe ng pulis.

 

Bago ito, matagal nang napapansin na marami sa mga pulis ang laging abala sa pagkalikot ng kani-kanilang mga cellphone habang naka-duty.


Dahil dito, nanawagan ang heneral sa mga pulis na kung may magre-report na gumagawa sila ng ganito ay agad na ire-relieve sa kanilang tungkulin kasama ang kanilang precinct commander o immediate supervisor.


Sisibakin din ng NCRPO sa kanilang mga tungkulin ang mga chiefs of police o station commanders kung may tatlong kasong paglabag ang kanilang mga tauhan.

Read 106 times Last modified on Wednesday, 11 January 2017 15:34

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.