You are here: HomeNews UpdateLatest NewsMayors excited kay Duterte; ilang alkalde 'di sisipot

Mayors excited kay Duterte; ilang alkalde 'di sisipot

By  Bombo news team Posted in Latest News Wednesday, 11 January 2017 12:55

Excited na ang ilang mga alkalde sa lalawigan ng Capiz na makaharap mamayang hapon sa Palasyo ng MalacaƱang si Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Isa si Mayor Receliste Escolin ng bayan ng President Roxas, Capiz sa 13 mga alkalde galing sa lalawigan na tumungo na sa Metro Manila upang tugunan ang imbitasyon ng pangulo sa Palasyo.

 

Pinaniniwalaang ilalahad sa kanila ang nilalaman ng drug-matrix na may mga pangalan ng mga narco-mayors sa bansa.

 

Ayon kay Escolin hindi siya natatakot na makaharap ang pangulo ng bansa dahil aniya'y wala naman siyang nagawang anomalya sa kaniyang katungkulan bilang alkalde.

 

Sa katunayan aniya ay excited pa umano siya sa unang pagkakataon bilang alkalde na makapunta sa palasyo at makaharap ang pangulo ng bansa.

 

Napag-alaman ng Bombo Radyo Roxas na sa 17 mga alkalde sa lalawigan 13 sa kanila ang kumpirmadong dadalo sa nasabing imbitasyon kasama na ang alkalde ng Roxas City na si Mayor Angel Alan Celino.

 

Hindi naman nagbigay ng paliwanag ang apat na mga alkalde sa bayan ng Pilar, Panay, Maayon at Dao kung bakit hindi sila makakasipot sa Palasyo.

 

Mapag-alamang ang Capiz ay balwarte ni dating Interior Secretary Mar Roxas ng Liberal Party na mahigpit na katunggali ni Pangulong Duterte noong nakaraang halalan.


Samantala, tiniyak din naman ni Daanbantayan Mayor Vicente Loot na dadalo siya sa imbitasyon ng MalacaƱang kaugnay sa pagpatawag ni President Duterte sa lahat ng mga alkalde sa bansa.


Sa panayam ng Bombo Radyo Cebu kay Loot, sinabi nito na umaasa raw siya na mabibigyang linaw ng taongbayan at malilinis ang kaniyang pangalan mula sa pagkakadawit na kabilang sa sinasabing narco-generals.

 
Iniisip ni Loot na malaking oportunidad ito upang personal niyang maipagtanggol ang kaniyang sarili mula sa mga taong gumagamit umano ng kaniyang pangalan.

 
Kung maaalala paulit-ulit na ring isinasabit ng presidente si Loot sa droga.

Read 149 times Last modified on Wednesday, 11 January 2017 15:13

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.