You are here: HomeNews UpdateLatest NewsSimulation exercise isasagawa sa Davao para paghandaan ang ASEAN 2017

Simulation exercise isasagawa sa Davao para paghandaan ang ASEAN 2017

By  Bombo Davao Posted in Latest News Wednesday, 11 January 2017 07:25

DAVAO CITY – Magsasagawa simula ngayong araw ang mga miyembro ng kapulisan ng simulation exercises bilang bahagi sa paghahanda sa isasawagang ASEAN 2017 sa araw ng linggo sa SMX Lanang sa lungsod.

 

Ayon kay Chief Inspector Andrea dela Cerna, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO-11), nakapagsagawa na rin sila ng road clearing operation para malaman ng mga PNP personnel kung saan sila ide-deploy pagdating ng mga delegado ng ASEAN.

 

Sinabi rin ng opisyal na aasahan ang 1,000 bisita pati na ang mga delegado na mula sa 10 mga bansa na dadalo sa nasabing aktibidad.

 

Kasali rin sa mga babantayan ng otoridad ang mga hotels kung saan mananatili ang mga dayuhan.

 

Samantala nanawagan naman si Dela Cerna sa publiko na asahan na ang matinding traffic mula bukas hanggang Enero 15 partikular na sa may Lanang area sa lungsod kung saan ang venue ng kickoff ng ASEAN 2017.

Read 61 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.