You are here: HomeNews UpdateLatest NewsPaghahanap sa mga Pugante ng NCDJ mas pinaigting

Paghahanap sa mga Pugante ng NCDJ mas pinaigting

By  Bombo Radyo Koronadal Posted in Latest News Wednesday, 11 January 2017 04:37

KORONADAL CITY- Pinaigting pa ng mga otoridad sa Probinsya ng North Cotabato ang kanilang paghahanap sa mga inmates na nakapuga sa North Cotabato District Jail sa Brgy. Amas sa bayan ng Kidapawan City.


Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay PCI Ma. Joyce Birrey ng North Cotabato PNP nasa 60 na ang mga accounted na mga pugante kasali na dito ang mga naibalik sa kulungan , mga namatay at ang mga naospital samantala 98 iba pa ang pinaghahanap.


Kaugnay nito mas pinalawak pa ng North Cotabato PNP at Armed Forces of the Philippines ang mga lugar kung saan sila nagsasagawa ng manhunt operation lalo na sa mga kabundukang bahagi.


Dagdag pa na malaki din ang naitutulong ng social media sa pagapapakalat ng mga larawan ng mga pugante lalo na at itinuturing ang mga ito bilang High Risk Criminals.

Read 59 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.