You are here: HomeNews UpdateLatest NewsSaudi Arabia, nangangailangan ng 150 dental assistants - POEA

Saudi Arabia, nangangailangan ng 150 dental assistants - POEA

By  Bombo Radyo Tuguegarao Posted in Latest News Wednesday, 11 January 2017 01:27

TUGUEGARAO CITY - Tumatanggap na ngayon ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ng mga aplikasyon para sa posisyong 150 dental assistants na kukunin ng Ministry of Health ng Saudi Arabia.

 

Kinakailangang babae na hindi hihigit sa 40-anyos ang edad ng aplikante, nagtapos ng doctor of Dental Medicine, may board license at minimum na tatlong taong karanasan sa trabaho.

 

Magbibigay ang Ministry of Health ng basic salary na 4,100 Saudi Riyal, libreng pakain at pabahay, at bayad na taunang bakasyon na may libreng round trip ticket.

 

Ang mga kwalipikadong aplikante ay maaaring mag-rehistro online sa www.eregister.poea.qov.ph at personal na mag-sumite ng detalyadong resume na may kasamang job description, school credentials, employment certificates, kopya ng passport at dalawang pinakabagong larawan na may sukat na 2x2 (nakapaloob sa isang folder na may markang "Ministry of Health (MOH)" sa Manpower Registry Division, Window T, Ground Floor, Blas F. Ople Bldg., Ortigas Avenue corner EDSA, Mandaluyong City.

 

Kinakailangang maipakita ng aplikante sa POEA ang kanilang orihinal na mga dokumento bilang pagpapatunay na tama ang impormasyong nakasaad sa kanilang resume bago ito ipapadala sa employer.

Read 124 times Last modified on Wednesday, 11 January 2017 08:41

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.