You are here: HomeNews UpdateLatest NewsPNP sa Ilocos Sur, nagkukumahog sa paghahanda sa pagdating ng Ms U candidates

PNP sa Ilocos Sur, nagkukumahog sa paghahanda sa pagdating ng Ms U candidates

By  Bombo Radyo Vigan Posted in Latest News Wednesday, 11 January 2017 03:53

VIGAN CITY - Nagkukumahog ngayon ang pamunuan ng Ilocos Sur Police Provincial Office (ISPPO) sa paghahanda para sa security preparations kaugnay sa nalalapit na pagbisita ng mga Miss Universe candidates sa siyudad ng Vigan.

 

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Police Sr. Supt. Reynaldo de Peralta, ISPPO provincial director, magkakaroon pa sila ng tatlong simulation exercises bago ang pagdating ng mga kandidata.

 

Ang dry run ay isasagawa bukas at dalawa ang isasagawa sa umaga at gabi ng enero 14 kung saan ay maide-deploy ang mga pulis mula sa iba't ibang municipal police stations sa probinsiya.

 

Paglalahad ng opisyal, nasa 90 porsiyento nang handa ang PNP at gagawin nila ang lahat upang maging matiwasay at maayos ang pagsasagawa ng Miss Universe pre-pageant dito sa lalawigan.

 

Dalawampung naggagandahang kandidata ang inaasahang dadalaw sa Vigan na kung saan rarampa sila sa Calle Crisologo suot ang "Abel Iloko," ang ipinagmamalaking produkto sa Ilocos Sur.

Read 40 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.