You are here: HomeNews UpdateLatest News2 malakas na lindol yumanig sa Sulu

2 malakas na lindol yumanig sa Sulu

By  Bombo Radyo Gen San Posted in Latest News Tuesday, 10 January 2017 21:29

GENERAL SANTOS CITY - Niyanig ng dalawang malalakas na lindol ang probinsya ng Sulu nitong hapon.

 

Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), unang naramdaman ang magnitude 7.2 na lindol sa bayan ng Tongkil, alas-2:13 ng hapon.

 

Naitala ang sentro nito sa 223 km timog silangan ng nasabing lugar at may lalim na 625 kilometers.

 

Bunsod nito, naramdaman ang intensity II na pagyanig ang General Santos, Cagayan De Oro City, Lake Sebu, Polomolok, Tampakan at Tupi, South Cotabato.

 

Habang Intensity III ang naramdaman sa Iloilo City, Kiamba, Sarangani, Caraga, Boston, Davao Oriental, at intensity IV sa Davao City.

 

Habang alas-2:25 naman ay sinundan ito ng magnitude 4.9 na lindol sa bayan ng Siasi.

 

Ang sentro ng naturang lindol ay nasa 236 km timog silangan ng naturang lugar at may lalim na 585 km.

 

Bunsod nito, naramdaman ang intensity II na lindol sa Mati, Davao Oriental.

 

Parehong tectonic ang origin ng dalawang pagyanig, kung saan sa magnitude 7.2 na lindol ay may inaasahang aftershocks, subalit walang itinaas na tsunami warning.

 

Wala namang naitalang pinsala bunsod ng nasabing dalawang lindol.

Read 107 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.