You are here: HomeNews UpdateLatest NewsEx-Zambo del Sur mayor kinasuhan ng malversation ng Ombudsman

Ex-Zambo del Sur mayor kinasuhan ng malversation ng Ombudsman

By  Posted in Latest News Tuesday, 10 January 2017 18:12

Ipinag-utos na ng Office of the Ombudsman ang pagsampa ng kasong malversation laban sa dating alkalde ng Labangan, Zamboanga del Sur na si Wilson Nandang.

 

Nag-ugat ang kaso laban sa mayor dahil sa pagpapabilis niya ng pag-release ng kanyang sahod sa kabila ng pagsailalim dito sa preventive suspension ng Office of the President.

 

Liban pa rito ay napatunayang guilty ng anti-graft body si Nandang ng simple misconduct na suspendido sa loob ng isang buwan at isang araw.

 

Sa resolusyon na ipinalabas ng Ombudsman ay binigyang-diin nito ang patakaran na hindi maaaring tumanggap ng sweldo ang isang government employee habang suspendido dahil sa pending na imbestigasyon bunsod ng kani-kanilang mga kinakaharap na kaso.

 

“Government employees who are preventively suspended pending investigation, such as in this case, are not entitled to the payment of their salaries,” nakasaad sa resolusyon.

 

Samantala ang simple misconduct ay ang pagsuway sa itinakdang batas o kapabayaan na ginawa ng isang pampublikong opisyal.

Read 85 times Last modified on Tuesday, 10 January 2017 19:37

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.