You are here: HomeNews UpdateLatest NewsZambo ex-officials, kinasuhan ng graft ng Ombudsman

Zambo ex-officials, kinasuhan ng graft ng Ombudsman

By  Posted in Latest News Tuesday, 10 January 2017 12:24

Pinagtibay ng Office of the Ombudsman ang pagsampa ng kasong katiwalian laban sa dating alkalde at mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Sibuco, Zamboanga del Norte.

 

Sa siyam na pahinang resolusyon na inihain ng Ombudsman ay nakakita sila umano ng sapat na batayan upang kasuhan ang dating alkalde na si Mayor Norbideiri Edding at SB members na sina Norbryan Edding, Malik Tutuan, Nasser Mahamod, Absar Caril, Jaapal Dodong, Abbas Samson, at Misal Hawari.

 

Ayon sa anti-graft and corruption practices act ay nilabag ng mga ito ang Section 3(a) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

 

Nag-ugat ito sa pag-authorize ni Mayor Edding sa mga tseke at pag-apruba sa mga disbursement vouchers at payrolls.

 

Batay sa mga records ay September 2010 ng magpalabas ng resolusyon ang SB member na si  Norbryan Edding na kapatid ng alkalde na lagdaan nito ang mga tseke para sa kanilang munisipyo.

 

Nabatid na ang vice mayor ang siyang may kapangyarihan at kontrol sa pag apruba sa mga vouchers at payrolls.

Read 127 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.