You are here: HomeNews UpdateLatest News'Maute group, sunod na hahabulin matapos mapatay si 'Tokboy' - DND

'Maute group, sunod na hahabulin matapos mapatay si 'Tokboy' - DND

By  Bombo Radyo GenSan Posted in Latest News Tuesday, 10 January 2017 02:02

GENERAL SANTOS CITY - Kasunod ng pagkakapatay sa No. 1 most wanted terrorist ng Sarangani Province na si Mohammad Jaafar Maguid, at dalawang kasamahan nito na mga foreign bomb trainer, sunod na umanong hahabulin ng mga otoridad ang iba pang miyembro ng Maute Group.

 

Ito ang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa pagbisita sa lalawigan.

 

Ayon sa kalihim, ang pangalang Tokboy Maguid ay matagal nang nasa listahan ng kanilang "order of battle" na siyang lider ng mga terorista sa Southern Mindanao.

 

Inamin ni Lorenzana na malaking tagumpay sa mga otoridad ang pagkamatay ni Maguid.

 

Subalit kinakailangan pa ring mahabol ang mga kasamahan nito dahil mas delikado kung ma-recognize ng Islamic State of Iraq and Syria ang natitira pang grupo.

Read 97 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.