You are here: HomeNews UpdateLatest NewsASEAN mahalaga sa Phl - Palasyo

ASEAN mahalaga sa Phl - Palasyo

By  Bombo Radyo Davao Posted in Latest News Tuesday, 10 January 2017 01:59

DAVAO CITY – Mahalaga umano ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) kahit pa kinabibilangan lamang ito ng maliliit na mga bansa.

 

Ito ang binigyang-linaw ni Communication Secretary Martin Andanar sa panayam ng Bombo Radyo Davao.

 

Ayon pa sa opisyal, ito ang dahilan kung bakit nagsasagawa ng mga pagpupulong gaya na lamang ng ASEAN Summit.

 

Layunin umano ng event na ang mga bansang miyembro nito ay magkaroon ng kaunlaran at maipagpapatuloy ang magandang relasyon sa isa't-isa.

 

Samantala sa usapin ng single currency sa ASEAN, sinabi ng kalihim na kahit na malaki ang maitutulong nito, kailangan pa rin itong pag-aralan.

 

Dapat din daw magtulungan ang mga miyembro ng ASEAN para uunlad din ang ibang mga miyembro nito.

 

Isasagawa ang ASEAN 2017 sa darating na Enero 15, araw ng Linggo sa SMX Lanang nitong lungsod.

Read 102 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.