You are here: HomeNews UpdateLatest NewsBiyahe ng mga sasakyang-pandagat sa Bacolod, bawal muna

Biyahe ng mga sasakyang-pandagat sa Bacolod, bawal muna

By  Bombo Radyo Bacolod Posted in Latest News Sunday, 08 January 2017 23:27

BACOLOD CITY – Daan-daang mga pasahero ang stranded sa pantalan ng Bacolod matapos itinaas ang tropical storm warning signal No. 1 sa isla ng Negros dahil kay Bagyong Auring.

 

Napag-alamang mula kaninang alas-5:00 ng madaling araw ay nasa signal No. 1 ang Negros Occidental, Negros Oriental, kasama na rin ang Bohol, Siquijor, Southern Leyte at Cebu, habang naidagdag ang Southern Iloilo kaninang tanghali.

 

Sa interview sa Bombo Radyo, sinabi ni Coast Guard Station Bacolod head Lt. Senior Grade Jimmy Oliver Vingno na hindi papayagang pumalaot ang mga fastcrafts, Ro-Ro vessels at iba pang sasakyang-pandagat hangga't hindi binabawi ang tropical storm warning signal.

 

Ito ay para sa kaligtasan ng mga gustong tumawid sa karatig-isla.

 

Maliban sa mga stranded na pasahero, naantala rin ang pagtawid ng mga container vans na may lamang produkto na inaasahan sanang makarating sa isla ng Panay at Cebu ngayong gabi.

 

Tiniyak naman ng Philippine Coast Guard na agad silang magbibigay-alam sa Bombo Radyo para sa anumang update.

Read 82 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.