You are here: HomeNews UpdateLatest NewsPangulong Duterte, nilibot ang anti-submarine ship ng Russia; nagpasalamat sa mga Ruso

Pangulong Duterte, nilibot ang anti-submarine ship ng Russia; nagpasalamat sa mga Ruso

By  Posted in Latest News Friday, 06 January 2017 12:20

Nilibot ng Pangulong Rodrigo Duterte ang anti-submarine ship ng Russia na Admiral Tributs sa Pier 15, Port of Manila.

 

Binigyan ang Pangulo ng arrival honors na pinangunahan ng Russian Navy Contingent.

 

Matapos nito ay inilibot na ang Presidente sa nasabing anti-submarine ship at tyaka tumungo sa lounge area para mag-sign sa guest book.

 

Nagpasalamat naman si Digong sa Russian Navy at nagsabing bukas ang bansa sa kanilang pagbabalik ano mang oras.

 

Mababatid na hindi ito ang unang beses na dumaong sa karagatan ng Pilipinas ang mga sasakyang pangdagat ng Russia.

 

2012 ang huling pagkakataon at nasundan ngayong 2017.

 

Ang Admiral Tributs ay isang anti-submarine ship ng Russia na sumusukat ng may habang 162 metro.

 

Pakay nito na tuntunin sa ilalim ng karagatan ang mga submarine ng kalaban.

 

Samantala, ipinagpapalagay na ang hakbang na ito ng Russia ay simula na ng mas pinalalawak na relasyon ng dalawang bansa matapos hayagang sabihin ng Pangulong Digong na bukas sya sa pakikipag-alyansa sa mga Russo at direkta rin nitong sinabi na sya ay tutol sa matagal nang ugnayan ng Pilipinas at Amerika.

Read 129 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.