You are here: HomeNews UpdateLatest News'Key agenda sa ASEAN-Phl Summit 2017 inilahad'

'Key agenda sa ASEAN-Phl Summit 2017 inilahad'

By  Bombo Reymund Tinaza Posted in Latest News Thursday, 05 January 2017 19:44

Ipinaliwanag ngayon ng MalacaƱang ang mga benepisyo o makukuhang pakinabang ang mga Pilipino sa hosting ng Pilipinas sa ASEAN Summit 2017.

 

Sinabi ni Communications Sec. Martin Andanar, maaaring i-summarize o ibuod ang mga nasabing pakinabang sa anim na agenda sa pagpupulong ng mga ASEAN Leaders.

 

Ayon kay Andanar, una rito ang pagiging 'people-oriented and people-centered' ng ASEAN kung saan gagawing prayoridad ang kalusugan at nutrisyon ng mga ASEAN citizens, gayundin ang social protection ng mga kababaihan at nakatatanda.

 

Tampok din daw ang usapin ng 'regional peace and stability' kung saan lahat ng ASEAN members ay magtutulungan para mapanatili ang kapayapaan at matigil ang pagkalat ng iligal na droga at terorismo.

 

Magiging sentro rin daw ng mga pagpupulong ang 'maritime security and cooperation' kung saan matatalakay ang territorial dispute sa West Philippine Sea.

 

Maliban dito, pag-uusapan din ang pagiging 'inclusive' ng ASEAN kung saan lahat ng mamamayan sa rehiyon ay mabibiyayaan sa sektor ng ekonomiya at seguridad; 'Resilient ASEAN' o pagpapalakas sa rehiyon laban sa mga kalamidad at climate change; at ang topic na 'ASEAN, a model of regionalism, a global player' kung saan palalakasin naman ang regional organization para makasabay at maging competitive sa iba gaya ng European Union (EU) sa usapin ng kalakalan.

 

Isasagawa ng 30th ASEAN Summit sa Abril sa Maynila kung saan dadalo ang 10 ASEAN leaders habang sa Subic, Zambales naman ang 31st ASEAN Leaders Summit sa Nobyembre kung saan kasali na ang iba't ibang dialogue partners gaya ng US, Japan, China, South Korea, Australia at Russia.

Read 87 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.