You are here: HomeNews UpdateLatest NewsMga paaralan sa Bicol, sanib-puwersang aayusin ng DSWD at DepEd

Mga paaralan sa Bicol, sanib-puwersang aayusin ng DSWD at DepEd

By  Bombo Naga Posted in Latest News Friday, 30 December 2016 08:06

NAGA CITY - Nag-alok ngayon ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Department of Education (DepEd) para sa mabilis na pag-ayos ng mga paaralang nasalanta ng bagyong Nina sa Bicol.

 

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Arnel Garcia, regional director ng DSWD-Bicol, sinabi nitong bukas siyang tulungan ang DepEd para mas mapabilis ang pag-ayos sa mga eskuwelahan na tiyak na maaapektuhan ang pag-aaral ng mga estudyante sa pagbabalik ng mga ito sa susunod na taon.

 

Ayon kay Garcia, tanging ang gastos sa materyales lamang ang pagtutuunan ng pansin ng DepEd habang sila naman ang bahala sa manpower na tatapos sa proyekto.

 

Aniya, nagawa na nila ang pagsasanib puwersa noong nanalasa rin ang malakas na bagyo sa Bicol at naging maganda naman daw ang resulta kung kaya nais niya ulit gawin ito sa panahong muling naapektuhan ang Bicol dahil sa bagyong Nina.

 

Sa ngayon, aabot na sa P8,220,000 ang kabuuang pinsalang iniwan ng naturang bagyo sa sektor ng edukasyon.

Read 226 times Last modified on Friday, 30 December 2016 10:21

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.