You are here: HomeNews UpdateLatest NewsSuspek sa pagpatay sa magkapatid sa Ilocos Norte, kinasuhan ng double murder

Suspek sa pagpatay sa magkapatid sa Ilocos Norte, kinasuhan ng double murder

By  Bombo Radyo Laoag Posted in Latest News Wednesday, 28 December 2016 22:23

LAOAG CITY – Sinampahan na ng Philippine National Police sa Paoay, Ilocos Norte ng kasong double murder ang suspek sa pagbaril-patay sa magkapatid na Loida Ralleta at Abe Ralleta sa bahagi ng Brgy. San Agustin ng nasabing bayan noong Marso nitong taon.

 

Ito ang kinumpirma sa Bombo Radyo Laoag ni SPO4 Delfin de Leon, imbestigador ng PNP Paoay.

 

Ani De Leon, ang suspek na si Jerry Castro na taga-Brgy. Sungadan ng nasabi ring bayan ang nakitang pabalik-balik sa tapat ng bahay ng mga biktima bago nangyari ang insidente at namukhaan din siya ng isang testigo.

 

Sinabi ng imbestigador na sa ngayon maaring maipalabas ang warrant of arrest laban kay Castro upang agad siyang maaresto.

 

Naniniwala si De Leon na ang suspek ay nasa bayan pa rin ng Paoay.

 

Pangunahing tinututukang motibo sa krimen ay ang away sa lupa.

Read 153 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.