You are here: HomeNews UpdateLatest NewsVP Leni, tiniyak ang tulong sa mga nasalanta ng bagyo sa Bicol

VP Leni, tiniyak ang tulong sa mga nasalanta ng bagyo sa Bicol

By  Bombo Naga Posted in Latest News Tuesday, 27 December 2016 07:45

NAGA CITY - Tiniyak ngayon ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang tulong na ibibibigay sa mga biktima ng bagyong Nina na nanalasa sa Bicol region.

 

Sa ipinaabot na impormasyon ni Georgina Hernandez, tagapagsalita ni Robredo, sinabi nitong mahigpit ang ginagawang monitoring ng bise presidente sa mga local relief centers para matiyak na makakarating sa mga biktima ng bagyo ang tulong mula sa kanya.

 

Nakikipagtulungan na rin umano ang Office of the Vice President sa mga regional officials at ilang ahensya para sa paghahatid ng mga food and non-food items sa Bicol.

 

Nag-deploy na rin umano ang bise presidente ng isang team sa rehiyon para mag-asiste sa relief operations.


Tiniyak naman nito na agad na bibisitahin ang Bicol lalo na ang lalawigan ng Camarines Sur sa oras na makabalik na ang opisyal mula sa United States kung saan dumalo ito sa isang family reunion.

Read 140 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.