You are here: HomeNews UpdateLatest NewsBusiness comm. sa Bacolod naalarma re: pagbaril-patay sa Chinese businessman

Business comm. sa Bacolod naalarma re: pagbaril-patay sa Chinese businessman

By  Bombo Radyo Bacolod Posted in Latest News Monday, 26 December 2016 17:00

BACOLOD CITY - Nababahala na sa ngayon ang mga negosyante sa Bacolod sa sunod-sunod na krimen na nagaganap sa lungsod kung saan ang pinakahuli ay ikinamatay ng negosyanteng Chinese.

 

Napag-alamang pinasok ng nag-iisang suspek ang JDS Mindoro Enterprises at pinagbabaril ang anak ng may-ari na si Chang Lee Wu alyas "Alok" at gayundin ang guwardiyang si Gelbert Mayang na kapwa nila ikinamatay habang tatlong iba pang Chinese ang sugatan din.

 

Sa interview ng Bombo Radyo, sinabi ni Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) Western Visayas president at Negros Occidental Regional Governor Frank Carbon na naaalarma na silang mga negosyante sa nangyayaring kriminalidad kung saan target ang mga ito dahil sa magandang kita dahil sa Kapaskuhan.

 

Plano ng business community na makipagpulong sa Bacolod City Police Office upang malaman kung ano ang puwede nilang gawin upang maiwasan ang pambibiktima sa kanila.

Read 226 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.