You are here: HomeNews UpdateLatest NewsChinese national at guwardiya patay, P1-M natangay sa holdup sa Bacolod

Chinese national at guwardiya patay, P1-M natangay sa holdup sa Bacolod

By  Bombo Radyo Bacolod Posted in Latest News Monday, 26 December 2016 07:32

BACOLOD CITY - Dalawa ang patay habang tatlong iba pa ang sugatan at umabot sa P1 milyon ang natangay ng nag-iisang suspek na nang-holdup ng isang tindahan sa Locsin Street, Barangay 13, lungsod ng Bacolod kagabi.

 

Dead-on-the-spot ang security guard na si Gelbert Mayang, 40, ng Barangay Talakagay, Hinobaan habang dead-on-arrival naman sa ospital ang anak ng may-ari ng JDS Mindoro Enterprises na si Chang Lee Wu alyas "Alok".

 

Ayon sa cashier na si Jonabel Kabingan, unang binaril ng suspek na naka-helmet ang security guard, bago pumasok sa tindahan at nagdeklara ng holdup.

 

Nasa loob pa ng tindahan si Wu kasama ang tatlo pang Chinese nationals na sina Wi Kwang Wang, Yuan Long Huang at Sian Sao Dong na sugatan din sa insidente at kasalukuyang inoobserbahan sa ospital.

 

Base sa imbestigasyon ng pulisya, ginamit ng suspek sa pamamaril sa biktima ang M16 armalite rifle.

 

Sa ngayon ay patuloy pang pinaghahanap ang suspek at iniimbestigahan ang insidente.

Read 526 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.