You are here: HomeNews UpdateLatest News2 patay, higit 20 sugatan sa bumaliktad na bus sa South Cotabato

2 patay, higit 20 sugatan sa bumaliktad na bus sa South Cotabato

By  Bombo Radyo Koronadal Posted in Latest News Sunday, 25 December 2016 04:55

POLOMOLOK, SOUTH COTABATO – Dalawa na ang patay habang mahigit 20 naman ang sugatan sa pagbaliktad ng Husky bus sa bahagi ng Purok 8, Crossing Sulit, Polomolok, South Cotabato.

 

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay PSI Hernani Gabat, chief of police ng Polomolok PNP, habang malakas ang buhos ng ulan mabilis ang takbo ng bus na may body number 2788 Prosperity at may plate number MVV 171 na may biyaheng mula lungsod ng Cotabato, dumaan sang Koronadal patungong General Santos City.

 

Ayon kay PSI Gabat, nag-overtake ang Husky Bus sa isang motor subalit bumalik sa kanyang lane dahil may isa pang motorsiklo na nakasalubong at doon na nawalan ng kontrol ang driver at bumaligtad ito.

 

Dahil sa lakas ng pagkatumba natanggal ang bubong nito at gumulong  kung saan nagulungan nito ang dalawang motorsiklo na halos hindi na mailarawan dahil sa halos wasak na ito.

 

Napag-alaman na minamaneho ni Rhoderic Danao na residente nga Polomolok South Cotabato ang nabanggit na bus.

Kinilala ang mga namatay na sina:


1. Jonathan de viejo- Purok Mahusa, Polomolok, SoCot. (dead on arrival sa ospital)


2. Sammy Magsipoc - Polomolok South Cotabato


Mga sugatan na patuloy na ginagamot ngayon sa ospital:


1. Anthony Cello-27 Mabuhay, Polomolok, SoCot


2. Mark joshua Fabi- 11 yrs old- COTABATO City


3. Marissa Fabi- nanay ni joshua- Cotabato city


4. Daniel angelo Fabi- 9 yrs old - COTABATO city


5. Nazruddin mando- 27 yrs old- Maguindanao


6. Teresita Nuesta- 53 yrs old-Esperanza Sultan Kudarat


7. William Nuesta- 59 anyos- Esperanza sultan kudarat


8. Ariel Cagang


9. Renato Alumbo-30 yrs old- Brgy. Fatima, General Santos City


10. Jay Matigalbo- 17 yrs old- Brgy Fatima, General Santos City


11. Sarah Daug- 25 yrs old- Malapatan


12. Rina Morata- - Malapatan


13. Amira Ismael- 25 yrs old- Cotabato


14. Ariston Manambay- 20 yrs old- Cotabato


15. Aljer Manambay- 8 yrs old- Cotabato


16. Norma Palti- 20 yrs old- Cotabato


17. Rhoderick Danao- Upper Matin-ao, Polomolok, South Cot


18. Alcher Manabay 8- Nagpan, Malungon, Sarangani


19. Radyo Bursan, Tantong Isulan Sultan Kudarat


20. Nasra Otik, Isulan sultan Kudarat


21. Adel Jan Corpuz, 28 Tacurong Sultan Kudarat


22. James Fabulare- Polomolok

Read 101 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.