You are here: HomeNews UpdateLatest NewsEngineer, sinunog ang sarili

Engineer, sinunog ang sarili

By  Bombo Radyo GenSan Posted in Latest News Friday, 23 December 2016 23:01

GENERAL SANTOS CITY - Nagtangkang  magpakamatay ang isang Engineer sa pamamagitan ng pagsunog ng sarili. 

 

Kaagad nagliyab ang buong katawan ng biktima na kinilala na si Engineer Emmanuel Kintos, 52 taong gulang na residente ng Tieza St. Barangay Dadiangas North, GenSan.

 

Ayon kay Fire Officer 3 Macacuna Tumambiling ng Bureau of Fire Protection(BFP)Gensan, naapula lamang ang apoy sa buong katawan ng biktima matapos nagpagulong-gulong sa carabao grass at kaagad na dinala sa pagamutan.

 

Nagtamo ng 3rd degree burn ang katawan ng biktima na patuloy ngayong nagpapagaling sa ospital.

 

Nalaman ng pulisya na inaway umano sa kanyang kinakasama ang biktima kayat nais na magsuicide.

Read 227 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.