You are here: HomeNews UpdateLatest NewsGuwardya na pumatay sa vice chair ng malaking coop, arestado

Guwardya na pumatay sa vice chair ng malaking coop, arestado

By  Bombo Radyo GenSan Posted in Latest News Friday, 23 December 2016 22:58

GENERAL SANTOS CITY - Hindi na nanlaban pa ang isang guwardya na itinuturong suspek sa pagpatay sa vice chairman ng isang malaking kooperatiba sa bayan ng Polomolok, South Cotabato.

 

Ito'y matapos nagpalabas ng warrant of arrest sa kasong murder si RTC 62 Judge Allan Bongcawil upang hulihin si Helmar Primne, 29-anyos, dahil umano sa pagbaril-patay kay Carlos Ramo, vice chairman ng Department of Agrarian Reform Beneficiary Cooperative sa Polomolok.

 

Mismong si Police Supt. Joedelito Guisingga ng South Cotabato Provincial Police Office kasama ang pinag-isang puwersa ng pulisya ng Tupi at Polomolok ang humuli sa suspek sa kanyang tahanan sa Polonuling, Tupi South Cotabato.

 

Kung maaalala, binaril-patay noong Nobyembre 24 nitong taon ang biktima sa Barangay Poblacion, Polomolok, ng nag-iisang motor riding criminal.

 

Nalaman na dating guwardya ng naturang coop ang suspek.

Read 103 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.