You are here: HomeNews UpdateLatest NewsCarolers nagpasaklolo sa Bombo Laoag nang pagbantaan umano ng lasing na barangay chairman

Carolers nagpasaklolo sa Bombo Laoag nang pagbantaan umano ng lasing na barangay chairman

By  Bombo Radyo Laoag Posted in Latest News Friday, 23 December 2016 01:38

LAOAG CITY - Nagpasaklolo sa Bombo Radyo ang ilang babaing carolers matapos silang pagbataan at pinaghahabol ni Brgy. Chairman Nestor Villa ng Brgy. Cabungaan-B sa lungsod ng Laoag habang sila’y namamasko sa kanilang barangay.

 

Ayon kay Florenda Barit, isa sa mga nagreklamong carolers, habang sila’y namamasko ay pinagbawalan sila ni Villa dahil wala silang maipakitang permit na mamasko sa kanilang barangay.

 

Nang uuwi na sila ay pinaghahabol sila ng kapitan sabay banta na papatayin niya ang mga ito at inakusahan pa niya ang mga ito na magnanakaw.

 

Dahil sa takot ay nagpasaklolo ang mga ito sa Bombo Radyo.

 

Bago ang insidente ay nakita ng mga carolers na may kasama ang kapitan na may hinaharap na bote ng alak.

 

Samantala, mariin namang pinabulaanan ni Villa ang mga alegasyun ng mga carolers na pinagbantaan niya ang mga ito.

 

Iginiit ni Villa na pawang kasinungalingan ang alegasyon ng mga naturang kababaihan at nagbantang kakasuhan ang mga ito sa paninira sa kanyang puri.

Read 88 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.