You are here: HomeNews UpdateLatest News3-mos suspension w/out pay, ipinataw ng Ombudsman sa Southern Leyte mayor

3-mos suspension w/out pay, ipinataw ng Ombudsman sa Southern Leyte mayor

By  Posted in Latest News Thursday, 22 December 2016 12:13

Pinasususpinde na ng Office of the Ombudsman ng tatlong buwan na walang sahod ang alkalde ng Saint Bernard, Southern Leyte na si Mayor Napoleon Cuaton.

 

Kaugnay ito sa kasong administratibo na kanyang kinasasangkutan na may kinalaman sa reinstatement ng isang empleyado sa gobyerno.

 

Ipinag-utos ng anti-graft body ang suspensyon kay Cuaton matapos itong mapatunayang guilty sa simple misconduct.

 

Batay sa pasya ng Ombudsman ay ipinagsawalang bahala lamang ni Cuaton ang direktiba ng Civil Service Commission na pabalikin ang si Gerry Menside, Administrative Aide I noong July 2013.

 

Napag-alaman na sinibak niya ito ng wala namang sapat na dahilan.

 

Sa halip sa tumalima sa utos ng CSC ay may itinalaga na si Cuaton na papalit sa posisyon ni Mencide.

 

Kaugnay nito ay agad na inatasan ng Ombudsman ang regional office ng DILG upang ipatupad ang suspensyon sa naturang alkalde.

 

Sa ilalim ng revised rules ng administrative cases ng civil service ay mahaharap sa isa hanggang sa anim na buwang suspensyon ang sinuman na mahaharap sa simple misconduct.

Read 132 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.