You are here: HomeNews UpdateLatest NewsAma ng minamaltratong OFW sa Saudi, nagpapasaklolo

Ama ng minamaltratong OFW sa Saudi, nagpapasaklolo

By  Bombo Baguio Posted in Latest News Wednesday, 21 December 2016 12:29

BAGUIO CITY - Dumulog sa Bombo Radyo Baguio ang ama ng isang overseas Filipino worker (OFW) na inaabuso umano sa Saudi Arabia.

 

Ayon kay Roger Uban, ama ng OFW, nakipag-ugnayan na sila sa Philippine Embassy sa Saudi upang matulungan sana ang kanyang anak ngunit sinabi ng naturang opisina na hindi lamang ito ang inaasikaso nila.

 

Dahil dito, nagtungo sila sa Overseas Workers Welafare Administration (OWWA) Cordillera para humingi ng tulong ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin silang aksyon kaya nagpapasaklolo sila upang maiparating sa mga kinauukulan ang kanilang hinaing.


Sa salaysay ni Uban, nagtungo ang kanyang anak sa Saudi noong Setyembre at pagkalipas ng isang buwan ay sinabi nito na gusto na nitong umuwi ng bansa dahil minamaltrato ito ng kanyang amo.

 

Maliban dito ay kinuha rin ang kanyang passport, cellphone at pera kaya hindi ito makauwi.

 

Kaugnay nito, umapela si Uban sa OWWA, at sa iba pang opisina na tulungan nila ang kanyang anak bago ito mapahamak.

Read 131 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.