You are here: HomeNews UpdateLatest NewsMister sa Butuan City, nagbigti gamit ang underwear

Mister sa Butuan City, nagbigti gamit ang underwear

By  Bombo Radyo Butuan Posted in Latest News Wednesday, 21 December 2016 04:39

BUTUAN CITY - Gamit ang underwear, hindi naisalba pa ang buhay ng isang mister na nag-suicide kahapon sa loob ng comfort room ng kanilang bahay.

 

Nakilala ang biktimang si Aaron Saavedra, 38-anyos, may asawa, walang trabaho at residente ng Purok 2, Brgy. De Oro nitong lungsod ng Butuan.

 

Ayon sa imbestigasyon ng mga tauhan ng Butuan City Police Station 4 na nakikipag-inuman pa ang biktima matapos ang pag-aaway nila ng kanyang misis dahil sa kawalan nito ng trabaho.

 

Hindi sukat akalin ng asawa na totohanin nito ang kanyang banta.

 

Nakita na lang itong itinali ang kanyang underwear sa kanyang leeg at ikinabit sa header door ng kanilang comfort room sanhi ng kanyang agarang kamatayan. 

Read 218 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.