You are here: HomeNews UpdateLatest NewsFilipinos sa Germany, ligtas - DFA

Filipinos sa Germany, ligtas - DFA

By  Bombo news team Posted in Latest News Tuesday, 20 December 2016 18:40

Walang naitalang Pinoy na nasaktan sa nangyaring terror attack sa Berlin, Germany sa pamamagitan nang pagsagasa ng truck sa Christmas market na ikinamatay ng 12 katao at ikinasugat naman ng halos 50 iba pa.

 

Ito ang ginawang paglilinaw ngayon ni Department of Foreign Affairs (DFA) spokesman at Assistant Secretary Charles Jose.

 

Sa kabila nito, pinayuhan pa rin ng DFA ang mga Pilipinong nakabase sa Europa na pag-iibayuhin ang pag-iingat.

 

Kabilang sa paalala ng DFA sa mga kababayan na kung maaari ay 'wag na lamang lumabas sa kanilang tinitirhan kung hindi naman kailangan.

 

Ayon pa kay Asec. Jose, wala rin namang ipinalalabas na travel advisory ang DFA sa mga tutungo ng Germany.

 

Patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng pamahalaan sa mga otoridad sa Germany para sa kaligtasan ng mga Pinoy na umaabot sa mahigit 21,000.

Read 194 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.