You are here: HomeNews UpdateLatest NewsMga lugar na sinalanta ng strong 'surge' sa Negros Occidental, nadagdagan pa

Mga lugar na sinalanta ng strong 'surge' sa Negros Occidental, nadagdagan pa

By  Bombo Radyo Bacolod Posted in Latest News Monday, 19 December 2016 22:49

BACOLOD CITY - Nadagdagan pa ang mga lugar na nakapagtala ng danyos bunsod ng matataas na alon na sinabayan ng hanging Amihan sa hilagang bahagi ng Negros Occidental.

 

Una nang naitala ang mga pinsala sa kabahayan at mga sakayang pandagat sa 12 barangay sa lungsod ng Cadiz kung saan maraming mangingisda ang apektado sa ngayon ang kabuhayan.

 

Sa pinakahuling tala ng Provincial Disaster Management Program Division (PDMPD), umabot sa P2,979,000 ang pinsala ng pinagsabay na strong surge at hangin Amihan sa Manapla kung saan 141 motor banca ang nasira habang 65 na mga pamilya ang nawalan ng bahay sa limang barangay.

 

Sa lungsod ng Victorias, 10 bahay ang nasira at 67 katao ang apektado sa Brgy. VI-A.

 

Sa EB Magalona, 53 bahay, 38 motor banca at 23 palaisdaan ang nasira.

 

Nagpapatuloy pa ang assessment ng PDMPD sa naiwang pinsala ng malakas na hangin upang makapagbigay ng agarang tulong sa apektadong mga residente.

Read 103 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.