You are here: HomeNews UpdateLatest NewsKapitan sa Ilocos Norte, patay sa pamamaril

Kapitan sa Ilocos Norte, patay sa pamamaril

By  Bombo Radyo Laoag Posted in Latest News Saturday, 10 December 2016 04:34

LAOAG CITY – Patay ang isang barangay chairman matapos pinagbabaril ng mga hindi pa nakilalang suspek sa bahagi ng Barangay Tabungao sa bayan ng Pasuquin sa lalawigan ng Ilocos Norte.

 

Nakilala ang biktima na si Barangay Chairman Sosimo Corpuz, residente sa Barangay Catalina sa nasabi ring bayan.

 

Ayon sa kay Police Senior Inspector Fritz Tabula, hepe sa bayan ng Pasuquin, bago ang nangyaring pamamaril ay dumalo ang kapitan sa isang Christmas Lantern Program sa nasabi ring bayan.

 

Subalit ng pauwi na ito sakay ng kanyang motorsiklo ay bigla na lamang pinagbabaril ng mga hindi pa kilalang suspek.

 

Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad para malaman ang motibo sa nangyaring insidente.

Read 276 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.