You are here: HomeNews UpdateLatest NewsPagsunog ng bus ng armadong grupo, patuloy pang iniimbestigahan

Pagsunog ng bus ng armadong grupo, patuloy pang iniimbestigahan

By  Bombo Radyo GenSan Posted in Latest News Friday, 25 November 2016 04:17

GENERAL SANTOS CITY - Patuloy pang kinikilala ng 27th Infantry Battalion Philippine Army ang pagkakakilanlan ng 13 na armadong kalalakihan na nagsunog ng bus sa National Highway sa Sitio Nama, Barangay Katubao, Kiamba, Sarangani Province.

 

Sinabi ni Captain Marvin Gamad, ang Civil Military Officer ng 27th IB na base sa pahayag ng driver ng bus, habang papunta ang nasabing bus sa Gensan galing ng Maitum, Sarangani pinara ito ng armadong grupo at pinababa sila.

 

Aniya, sinabi ng mga suspek sa salitang Ilonggo na ang bus lamang ang kanilang kailangan upang sunugin.

 

Ayon kay Captain Gamad, may kanya-kanyang armas ang mga miyembro ng nasabing grupo.

 

Sa ngayon, patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring insidente.

Read 148 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.