You are here: HomeNews UpdateLatest NewsEx-OFW kasama ang menor de edad na runner ng droga, huli

Ex-OFW kasama ang menor de edad na runner ng droga, huli

By  Bombo Radyo GenSan Posted in Latest News Saturday, 19 November 2016 22:10

GENERAL SANTOS CITY - Kaagad na sinampahan ng kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II of Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isang dating overseas Filipino worker (OFW) na nahuli sa buy bust operation.

 

Kinumpirma ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office-12 Director Lyndon P. Aspacio na nabilihan ng anti-narcotic operatives ang suspek na si Rowell Quintanilla, 47-anyos, taga Prk. 5, Rajah Mudah, Brgy. Bula, GenSan.

 

Ayon sa opisyal, nangyari ang operasyon sa isang pension house sa Tiongson St, Brgy. Lagao nitong lungsod.

 

Arestado rin ang 17-anyos na runner na kasama ng nasabing suspek.

 

Nabatid na mismong ang dating OFW ang nag-abot ng isang sachet ng hinihinalang shabu sa PDEA agent na nagpanggap na poseur buyer.

 

Habang iba pang tatlong sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P15,000 ang narekober ng operatiba mula sa suspek.

Read 265 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.