You are here: HomeNews UpdateLatest News500 Pinoy nurses, kailangan sa Germany

500 Pinoy nurses, kailangan sa Germany

By  Ronald Tactay Posted in Latest News Saturday, 22 June 2013 08:17
Daan-daang Filipino nurses ang kailangan ngayon ng bansang Germany.
 
Sa napagkasunduan ng Pilipinas at Germany, nangangailangan sila ng 500 nurses kung saan may bentahe ang mayroong nursing active license, two-year work experience at marunong sa salitang Aleman.
 
Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), ang starting salary ay nasa 1,900 euro o nasa mahigit P100,000.
 
Nakapaloob pa sa anusnyo ng POEA, ang aplikante na makukuha ay dapat handang  sumailalim sa six months German language training sa Pilipinas na gagastusan ng employer.
 
Sakali aniyang matanggap at makompleto na ang requirements, ang empoloyer na rin ang magbabayad sa lahat ng travel expenses mula Pilipinas at aasistehan pa sa paghahanap ng maayos niyang board and lodging sa Germany.
 
Sa mga nagnanais mag-apply, maaaring magsumite ng mga requirements sa POEA hanggang June 30, 2013 lamang.
 
Ang pagkuha ng Filipino nurses ng Germany ay batay sa nabuong "framework of cooperation" ng German Federal Employment Agency (BA/ZAV) at Deutsche Gesellschaft für Internationale Zusammenarbeit (GIZ) GmbH sa pamahalaan ng Pilipinas.
Read 692 times Last modified on Saturday, 22 June 2013 08:46

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.