You are here: HomeNews UpdateLatest NewsPrincipal at guro, arestado ng NBI

Principal at guro, arestado ng NBI

By  Bombo Radyo GenSan Posted in Latest News Tuesday, 15 November 2016 01:29

GENERAL SANTOS CITY - Nahaharap ngayon sa tatlong kaso ang isang principal at isang guro matapos mahuli sa entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI) Region 12.

 

Ito'y matapos inireklamo ni Joweelyn Jumilla, 23, taga Prk. Hinagaran, Banga, South Cotabato at isang guro ng Banga National High School.

 

Ayon kay NBI Agent Noel Morales, Assistant Regional Director sa NBI-12 na nakabase sa Koronadal City, caught in the act ang pagtanggap ng pera ni Lucinda dela Cruz, principal ng nabanggit na paaralan kasama nito ang kasabwat na guro na si Mary Ann Parcon.

 

Nabatid na nangyari ang entrapment operation sa loob mismo ng opisina ng principal.

 

Ayon kay Jumilla na kinolektahan sila ng naturang principal ng P5,000 cash upang ibibigay sana umano bilang regalo kay Mario M. Madrero, CSEE, OIC-Asst. Schools Division Superintendent ng Department of Education (DepEd) Koronadal City Division Office.

 

Dahil dito, nakipag-ugnayan ito sa NBI-12 upang mahuli ang principal at kasabwat nitong guro.

 

Ang mga kasong isinampa laban sa mga ito ay robbery extortion, violation of anti-graft and corrupt practices act at violation of code of conduct and ethical standard of public official and employees.

Read 276 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.