You are here: HomeNews UpdateLatest NewsConstruction workers, time out muna sa trabaho para sa Dugong Bombo 2016

Construction workers, time out muna sa trabaho para sa Dugong Bombo 2016

By  Bombo Radyo GenSan Posted in Latest News Friday, 11 November 2016 22:23

GENERAL SANTOS CITY - Nakapaghakot na ng mga gamit at ilang "finishing touches" na lamang ang ginagawang preparasyon ng Bombo Radyo General Santos para sa nakatakdang nationwide Dugong Bombo 2016.

 

Isasagawa ang Dugong Bombo ngayong taon sa Robinson's Place sa Brgy. Lagao, General Santos City.

 

Nabatid na nagpapatuloy ang pagtanggap ng himpilan ng confirmation mula sa maraming grupo at organisasyon upang mag-donate ng dugo.

 

Una rito, nagparating kaagad ng suporta ang LGU-GenSan upang lumahok sa naturang blood letting activity.

 

Matatandaang, naglabas ng memorandum ang alkalde ng lungsod sa mga manggagawa kung saan nakasaad rito ang panawagang silay mag-donate ng dugo.

 

Habang, tiniyak naman ng Philippine Institute of Civil Engineers (PICE) GenSan na lalahok sila sa proyekto ng Bombo Radyo Philippines.

 

Sinabi ng grupo na time muna ang karamihan sa kanilang mga constraction workers upang makapag-donate ng dugo.

 

Ngunit sa kabila nito, may bayad pa rin ang mga ito sa kanilang arawang suweldo ngayong Sabado.

Read 200 times Last modified on Saturday, 12 November 2016 05:42

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.