You are here: HomeNews UpdateLatest NewsBoracay handa na sa ASEAN summit 2017

Boracay handa na sa ASEAN summit 2017

By  Bombo Radyo Kalibo Posted in Latest News Saturday, 12 November 2016 02:19

KALIBO, Aklan - Puspusan na ang ginagawang paghahanda ng provincial government ng Aklan para sa nakatakdang pag-host ng isla ng Boracay sa ilang mga pagpupulong sa gaganaping Association of South East Asian Nation (ASEAN) Summit 2017.

 

Ayon kay Aklan Governor Florencio Miraflores, nakatakdang magsasagawa ng ocular inspection ang National Organizing Council (NOC) ng ASEAN para sa seguridad ng mga delegado.

 

Kumpiyansa si Miraflores na matagumpay na magagampanan ng provincial government ang pag-host ng Boracay sa ilang ASEAN 2017 meetings dahil sa mga naging karanasan nito sa ilang malalaking international event na idinaos noon sa isla.

 

Inaasahang apat na malalaking event ang gaganapin sa Boracay simula sa unang buwan ng Enero hanggang Pebrero sa susunod na taon.

Read 452 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.