You are here: HomeNews UpdateLatest News'OFW na nakapatay ng kapwa Pinoy, 'di na mabibitay' - VP Binay

'OFW na nakapatay ng kapwa Pinoy, 'di na mabibitay' - VP Binay

By  Posted in Latest News Wednesday, 26 November 2014 15:52

Tinanggal na sa death row ang isang overseas Filipino worker (OFW) na nakatakda na sanang pupugutan dahil sa kasong pagpatay sa kapwa Pinoy noong taong 2008.

 

Ayon kay Vice President Jejomar Binay na siya ring Presidential Adviser on OFW Concerns, pinatawad na ng mga kaanak ng biktima ang suspek na si Jonard Langamin.

 

Si Langamin ay nakapiit ngayon sa Dammam Reformatory Jail sa nasabing bansa.

 

Pero kailangan munang mabayaran ang blood money na P2 million sa pamilya ng biktimang si Robertson Mendoza.

 

Kapag naipagkaloob na ang nasabing pera, magtatakda si Judge Sheikh Ahmad Najmi Al Otaibe ng marathon hearing sa Dammam High Court para sa pagsasara ng kaso.

 

Pagkatapos nito ay sasailalim si Langamin sa deportation process.

 

Una nang kinasuhan ng murder si Langamin dahil sa pagpatay nito kay Mendoza.

 

Nagsimula sa P5 million ang unang itinakdang blood money ng pamilya Mendoza na naibaba sa P2 million kamakailan.

Read 359 times Last modified on Wednesday, 26 November 2014 19:40

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.