You are here: HomeNews UpdateLatest NewsP-Noy: PH bibida sa APEC, ASEAN Summits

P-Noy: PH bibida sa APEC, ASEAN Summits

By  Reymund Tinaza Posted in Latest News Sunday, 09 November 2014 11:03

Tiniyak ngayon ni Pangulong Noynoy Aquino na magiging sulit ang kanyang magkakasunod na biyahe sa Beijing, China para dumalo sa APEC Leaders' Summit sa Nobyembre 9 hanggang 11 at sa Myanmar para sa ASEAN Summit sa Nobyembre 12-13.

 

Sa kanyang departure message, sinabi ni Pangulong Aquino na sasamantalahin nito ang pagkakataon para makipagdiyalogo sa mga pinuno ng bansa, hindi lamang sa rehiyon, kundi maging sa mga kabalikat sa iba’t ibang panig ng mundo.

 

Ayon kay Pangulong Aquino, ilan sa mga paksang pag-uusapan sa APEC ang epektibong paghahanda at pagtugon sa mga kalamidad, ang pagpapaunlad ng Small, Medium and Micro Enterprises at ang pagsusulong umano ng mabuting pamamahala.

 

Gayundin, bilang chair at host ng APEC sa susunod na taon, ipapamalas daw ng Pangulong Aquino ang kahandaan ng Pilipinas na magsilbing sandigan ng pag-arangkada ng mga ekonomiya tungo sa malawakan at pangmatagalang kaunlaran.

 

Samantala, kabilang naman sa mga tatalakayin sa ASEAN Summit ang pagpapalakas ng kalakalan, pangangalaga sa migrant workers at pagsugpo sa trafficking in persons, pakikisama sa epekto ng pagbabago sa klima, gayundin ang maigting na paghahanda upang maagapan ang pagkalat ng sakit tulad ng Ebola Virus Disease.

 

"Mabilis lang po ang biyahe nating ito, at talaga pong siksik na naman ang ating magiging schedule sa pagtungo sa Tsina at Myanmar. Gayumpaman, sisiguruhin nating magiging hitik ang positibong bunga ng ating pagdayo para sa Pilipinas at sa mga Pilipino. Gaya ng lagi, doble-kayod tayong makikipag-ugnayan sa ibang mga bansa upang mas mapabuti at mas mapabilis ang paghahatid natin ng benepisyo sa ating mamamayan," ani Pangulong Aquino.

Read 375 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.