You are here: HomeNews UpdateLatest NewsSan Carlos City sa Negros Occidental, nanalo bilang ‘Most Environmentally Sustainable City in ASEAN’

San Carlos City sa Negros Occidental, nanalo bilang ‘Most Environmentally Sustainable City in ASEAN’

By  Bombo Bacolod Posted in Latest News Tuesday, 04 November 2014 07:07

BACOLOD CITY – Isang karangalan para sa lalawigan ng Negros Occidental at maging sa buong bansa ang pagkapanalo ng San Carlos City bilang “Most Environmentally Sustainable City in Associatioan of South East Asian Nation” (ASEAN).

 

Ito ang sinabi ni Provincial Environment and Natural Resources Officer Andres Untal na siyang tumanggap ng award na trophy kasama ng dalawang city councilors ng San Carlos City sa isinagawang awarding ceremony sa bansang Laos noong October 30-31, 2014 kasabay ng 15th ASEAN Informal Ministers Meeting on Environment.


Tinalo ng lungsod ng San Carlos ang iba pang mga lungsod sa ASEAN member nations kagaya ng Thailand, Vietnam, Cambodia at iba pa.

 

Ito’y dahil sa best environmental practices kung saan naroon sa lungsod ang biomass, ethanol at solar power plant para sa energy production.

 

Maliban dito ay may iba pang proyekto ang lungsod na environment friendly kaugnay sa protection sa kanilang water source.

 

Kapansin-pansin din ang hindi paggamit ng aircon sa mga tanggapan kundi ang natural na hangin sa paligid ang nagbibigay sa kanila ng magandang ventilation.

Read 310 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.