You are here: HomeNews UpdateLatest News'AFP itinanggi ang paggamit ng child soldier bilang guide'

'AFP itinanggi ang paggamit ng child soldier bilang guide'

By  Posted in Latest News Tuesday, 18 June 2013 18:34

Itinanggi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ulat hinggil sa paggamit ng "child soldier" sa kanilang operasyon.

 

Ayon kay AFP spokesman, BGen. Domingo Tutaan wala umano silang ideya kung saan nakuha ng United Nations ang nasabing report.

 

Gayunpaman, tiniyak ng AFP na iimbestigahan nila ang nasabing report.

 

Sinabi ni Tutuan na hindi gawain ng militar ang paggamit ng mga menor de edad bilang kanilang guide sa pagtugis sa mga rebeldeng grupo.

 

Iniulat ng United Nation na gumamit ang AFP ng dalawang menor de edad bilang guide sa kanilang operasyon laban sa komunistang grupo.

 

Sa kabuuan, nasa 26 child soldiers ang ginamit ng AFP kabilang ang ibat-ibang armadong grupo.

Read 437 times Last modified on Tuesday, 18 June 2013 18:37

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email:  This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.