You are here: HomeNews UpdateLatest NewsLalahok sa Saudi pilgrimage, oobligahing kumuha ng medical clearance
Error
  • JUser: :_load: Unable to load user with ID: 574

Lalahok sa Saudi pilgrimage, oobligahing kumuha ng medical clearance

By  Posted in Latest News Thursday, 03 July 2014 20:38

Oobligahin ang mga Filipino Muslims na kumuha ng medical clearance kung nais nilang lumahok sa pilgrimage sa Mecca, Saudi Arabia dahil na rin sa kumakalat na Middle East Respiratory Syndrome Coronavirus (MERS-CoV).

 

Ayon kay Bureau of External Relations Director Dr. Dimapuno Datu-Ramos ng National Commission on Muslim Filipinos, layunin nitong matiyak na nasa maayos na kalagayan ang mga Pinoy na magtutungo sa Gitnang Silangan upang hindi ito maapektuhan kung sakaling maging lantad sa ilang may taglay na MERS-CoV.

 

Una rito, sinabi ng DoH na aabot sa P3,000 ang halagang gagastusin para sa bakuna ukol sa naturang sakit.

 

Kaugnay nito, nanawagan si DoH spokesman Dr. Lyndon Lee Suy na kung hindi naman lubhang kailangan ay mas makabubuti na munang ipagpaliban ang pagtungo sa Saudi Arabia.

 

Tinatayang mahigit 6,000 Filipino ang nakatakdang magtungo roon ngunit maaari pa itong magbago habang lumalapit ang buwan ng Oktubre.

 

Giit ng DoH, mismong ang World Health Organization (WHO) na ang nagsabing seryoso ang banta ng MERS-CoV lalo't kumitil na ito ng 284 katao at ilan sa mga binawian ng buhay ay mga Filipino na nagtatrabaho sa Middle East.

Read 343 times Last modified on Tuesday, 29 July 2014 18:43

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.