You are here: HomeNews UpdateLatest NewsPinay nurse sa Saudi, naka-ICU dahil sa suspected MERS-CoV

Pinay nurse sa Saudi, naka-ICU dahil sa suspected MERS-CoV

By  Bombo Bacolod Posted in Latest News Sunday, 04 May 2014 00:47

BACOLOD CITY – Positibo ang asawa ng isang pinay nurse sa Riyadh, Saudi Arabia na gagaling pa ang kaniyang kabiyak na kina-quarantine sa sa pinagtatrabahuan nitong ospital dahil hinihinalang nahawa ng Middle East Respiratory Syndrome-Corona Virus o MERS-CoV.

 

Sinabi ni alias Toto ng Negros Occidental, sa kabila ng pagkakalagay ng kaniyang asawa sa Intensive Care Unit (ICU) at may tubo na inilagay sa baga ng kaniyang asawa, malaki pa rin ang pag-asa nito na makaka-recover pa ito dahil may isang pinay nurse rin sa nasabinfg ospital ang nakabangon matapos mahawa ng MERS-CoV.

 

Maliban dito, kilalang high-tech at kumpleto sa gamit ang ospital na pinagtatrabahuan ng kaniyang asawa at inaalagaan itong mabuti ng mga kaibigan at kasama sa trabaho.

 

Napag-alaman na may iba pang nurse sa nasabing pagamutan na kina-quarantine din dahil hinihinalang nahawa ng MERS-CoV at kagaya ng asawa ni alias Toto, assigned rin ang mga ito sa Emergency Room.

 

Samantala, sinabi ni alias Toto na kung gumaling na ang kaniyang asawa, ayaw na nitong bumalik pa sa Saudi ang kabiyak dahil sa pangamba na muling malagay sa alanganin ang buhay nito.

Read 752 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.