You are here: HomeNews UpdateLatest NewsMister, pinutulan ng ari ni misis

Mister, pinutulan ng ari ni misis

By  Bombo CDO Posted in Latest News Monday, 27 May 2013 19:04
CAGAYAN DE ORO CITY - Labis ngayon ang pighati at panghihinayang ng isang mister matapos mabawasan ang pagkalalaki nito sa bayan ng Naawan, Misamis Oriental.
 
Ito'y matapos pinutulan ng ari ang biktima na kinilala lamang sa pangalang Cresencio, 32, ng kanyang sariling asawa na si Cherlyn, 35, habang mahimbing na natutulog sa kanilang bahay sa nasabing bayan.
 
Sa panayam ng Bombo Radyo Cagayan de Oro, inihayag ng security guard ng Northern Mindanao Medical Center na si Robert Elcano na labis umano ang kalungkutan ni Cresencio dahil sa sinapit niya sa kamay ng kanyang misis.
 
Ipinagtataka naman ng pamilya ni Cresencio kung bakit ginawa ito ng suspek na kung tutuusin umano ay siya ang nagkasala sa kanilang pagsasama.
 
Kuwento ng mga ito, anim na buwan itong buntis kung saan ang kanilang kapitbahay pa umano ang ama ng bata.
 
Subalit aminado rin ang ilang pamilya ng biktima na may iba na itong babae na karelasyon ngayon.
 
Naniniwala rin sila na selos ang dahilan ng nasabing pangyayari.
 
Hindi pa rin marekober ang bahagi ng naputol na ari ng mister matapos na agad na tumakas ang misis sakay ng motorsiklo na dala-dala pa ang kaputol na ari at ang pera ng biktima.

           

Read 3283 times Last modified on Monday, 27 May 2013 19:18

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email:  This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.