You are here: HomeNews UpdateLatest NewsMagagarang ari-arian ni Napoles, isiniwalat sa Senado

Magagarang ari-arian ni Napoles, isiniwalat sa Senado

By  Posted in Latest News Thursday, 26 September 2013 19:32
Muling nabunyag sa Senado ang mga magagarang ari-arian ni Janet Lim-Napoles ang itinuturong mastermind ng multi-billion peso pork barrel scam na kinasasangkutan ng mga mambabatas. 
 
Sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee sinabi ng whistleblower na si Marina Sula na tumatayong finance clerk ni Napoles sa mahabang panahon, taong 20O2 nang magsimula bumili ng magagarang ari-arian ang tinaguriang "pork barrel Queen".
 
Kabilang sa mga nabunyag ay ang  ari-arian nito sa Biñan, Laguna, bahay sa Ayala Alabang sa Muntinlupa City, bahay sa Forbes Park at sa Dasmariñas Village sa Makati City.
 
Mayroon din siyang units in Serendra at Pacific Plaza Towers sa Bonifacio Global City maging sa  Eastwood City sa Quezon City, mga bahay sa Tagaytay Highlands at Punta Fuego sa Nasugbu.
 
Ilan lamang ito sa mga nabunyag na mga ari-arian ni Napoles maliban pa sa Estados Unidos. 
 
Ayon sa ulat nasa 28 magagarang bahay mayroon ang akusado sa Pilipinas maliban sa 30 mamahaling sasakyan. 
 
Magugunitang noong nagtatago sa batas si Napoles ay inilabas ng DOJ ang pag-aaring sasakyan ni Napoles na kinabibilangan ng mga sumusunod.
 
1.   BMW 35
2.   Cayene Porsche CYN 78 white
3.   Chevrolet Tahoe ZAG827 gray
4.   Crosswind Pearl XPK 562
5.   Estrada Pick-up ZJB 235
6.   Ford E150 JLN 128 Red
7.   Ford E150 JLN 18 white
8.   GMC Savana xry 168
9.   Honda Civic ZDX 319 blue
10.  Honda CRV NSO245
11.  Hummer HRM33
12.  Isuzu PQU 993
13.  L300 XDC963
14.  Land Rover Defender red
15.  Mercedes Benz  XDX527 black
16.  Navigator XPL358 black
17.  Pajero WCC896 white
18. Range Rover Autobiography TIN11
19.  Starex NOQ 168 white
20. Suzuki NQF 487
21. Suzuki NOG416
22. Suzuki NOW945
23. Toyota Alphard
24. Toyota Altis XPG884
25. Toyota Hi-Lux SIM 08
26. Toyota Innova NGQ370
27. Toyota Innova NSQ568
28. Toyota Land Cruiser PSQ 169
29. Toyota Previa XPG398
30.  Toyota Vios silver
 
 
Read 582 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email:  This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.