You are here: HomeNews UpdateLatest NewsMNLF sa Davao tiniyak na hindi makikisawsaw sa gulo sa Zambo

MNLF sa Davao tiniyak na hindi makikisawsaw sa gulo sa Zambo

By  Bombo Davao Posted in Latest News Wednesday, 11 September 2013 11:49
DAVAO  CITY - Siniguro ng mga miyembro ng Moro National Liberation (MNLF)  sa Davao City na hindi sila makikisakay sa isyu ng pakikipaglaban para sa kasarinlan sa Mindanao bilang Bangsamoro Republic. 
 
Ayon kay MNLF Vice Chairman Jimmy Labawan, patuloy na mapayapa ang kanilang hanay sa Davao. 
 
Una nang nagpahayag ng pangamba ang ilang mga lider ng MNLF sa lungsod sa posibleng mangyari sa kanilang mga kasamahan na nasa Zamboanga City. 
 
Sinabi naman ng isa pang   MNLF leader na si Abdul Aziz "Monk" Olamit, sa kasalukuyan dehado ngayon ang kanilang mga kasamahan na makamit ang malinaw na pagresolba sa standoff sa Zamboanga. 
 
Ito umano ay dahil sa hakbang ng pamahalaan ng Pilipinas na magpadala ng mga batalyon ng militar sa Zamboanga sa iba't ibang mga lugar upang makipaglaban sa mga armadong MNLF.
 
Read 700 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.